Random Thoughts of Anne

stay a while and maybe you’ll see a different side of me

Ang Daming Nagugutom Sa Mundo Atenista Ka Pa Rin

Filed under: Uncategorized — lilacnpink at 5:16 am on Tuesday, January 13, 2009

Isa itong repost mula kay Mara na isang dating kasamahan saMatanglawin, Ang Opisyal na Pahayagang Pilipino ng Ateneo. Nagmula ang repost kay Omar na amin ring kasamahan sa Matanglawin. Ang orihinal na may akda ay si Nicole na kasalukuyang nasa unang taon ng kolehiyo sa Ateneo.

In defense of the Atenean community.

Atenista ako. Pero marunong akong mag-diretsong Tagalog. Atenista ako. Pero marunong akong makipagtulakan sa MRT at isiksik ang sarili ko sa kakarampot na espasyo sa jeep. Atenista ako. Pero hindi ako gumagasta ng libo-libo sa isang pares ng sapatos o sa isang jacket. Wala akong kotse, wala akong driver, at lalong-lalo nang wala akong Wii o X-box o Play Station para mag-Guitar Hero at Rock Band maghapon. Pero hindi ibig sabihin nitong hindi ako singtalino at sing-galing ng ibang Atenistang meron ng mga bagay na to. Hindi ibig sabihin nitong hindi ako bagay na mag-aral sa isang sikat na unibersidad. Hindi ibig sabihin nitong hindi ako Atenista.

Madalas nababansagang maarte kaming mga Atenista dahil sa pananalita namin. Pero matalino lang ang mga estudyante ng Ateneo. Ang kapaligiran, mga propesor, ang estilo ng pagtuturo at pamamalakad ay dinisenyo para manganak at magpalaki ng mga studyanteng hindi lang napipilitang mag-aral ng mabuti, kundi ginugusto talagang maging mahusay sa akademya. Walang masamang maging magaling mag-Ingles. Walang masamang maging gamay makipag-usap sa mga dayuhan. Walang masamang maging marunong makipag-debate at ipaglaban ang pinaniniwalaan mo.

Mareklamo daw kami. Bakit, sa La Salle ba, walang nagrereklamo sa lakas ng ulan? Sa UP ba, walang nagrereklamo sa init ng panahon? Sa Benilde ba, walang nagluluksa pag walang kuryente o mabagal ang wi-fi? Hindi kami naiiba sa inyo. Sa lahat ng mga ganito pa rin ang ideya tungkol sa mga Atenista, wala pa siguro kayong nakakausap na dormer ng Cervini, na galing Cotabato at nagsisikap mag-aral ng mabuti kahit nag-iisa at malayo sa pamilya. Wala pa kayong nakikilalang scholar na minsan kailangang umutang sa OAA para lang may pamasahe papasok. Sila? Nagrereklamo ba sila?

Elitista daw kami. Pero hindi lahat ng Atenista mayaman o feeling-mayaman. Hindi lahat kami “sheltered” katulad nang hindi lahat nang Lasalista negosyanteng Intsik at hindi lahat nang taga-UP aktibista at hindi lahat nang taga-UST ay mga siokoy na lumulusong sa baha. Hindi porke’t “elite” ang school namin “elitista” kami. Hindi porke’t may dalawang Figaro sa loob ng campus namin hindi na namin nasisikmura ang isaw at betamax. Hindi porke’t malinis ang mga banyo namin pinandidirihan na namin ang mga Aeta. Marunong naman kaming manood ng Eat Bulaga at Wowowee at nabalitaan din namin ang break-up nina Dingdong at Karylle. At hindi lang usong damit at UAAP ang inaatupag namin. May pakialam din kami sa mundo. Alam namin ang tungkol sa global recession at krisis sa stock market ng Amerika. Nanood kami ng SONA at naintindihan namin yon. Alam na alam namin ang banta ng global warming, kaya nga hindi na kami gumagamit ng styro. Alam naming importanteng iangat ang estado ng Pilipinas sa mundo, kaya nga kami may JTA. Alam namin ang kalagayan ng mga magsasaka sa Calatagan, kaya nga ginagawa namin lahat ng kaya namin para matulungan sila. At oo, alam naming maraming nagugutom sa mundo, kaya nga Atenista pa rin kami.

Wala pa akong isang buong taon sa Ateneo. Pero alam ko ang mga pinagsasasabi ko. Dahil sa loob ng pitong buwan sa Katipunan marami akong natutunan, nakilala, napuntahan at natulungan. Dahil nakita ko ang puso at talino ng mga taga-Ateneo. Dahil hindi ako maarte, hindi ako feeling mayaman, hindi ako mareklamo, at hindi ako elitista, pero hindi ipinagkait sakin ang pagiging Atenista.

One of Radioactive Sago Project’s albums is entitled, “… Ang Daming Nagugutom Sa Mundo Fashionista Ka Pa Rin”. Vocalist Lourd de Veyra plugs, “Bilhin ninyo ang album namin, “… Ang Daming Nagugutom Sa Mundo Atenista Ka Pa Rin”. I’m not angry at Radioactive Sago. In fact I love Lourd de Veyra. I want him to write me a song. This is just a reaction.

reference: To my fellow parents: On the meaning of an Ateneo education by Agustin Martin G. Rodriguez, Ph.D. as published in The Ateneo Way SY 2009

*************katapusan ng repost*************

Nakuha ng akdang ito ang aking atensyon at napukaw nito ang aking damdamin. Isa ako sa mga taong “HINDI MAYAMAN” na nag-aral sa Ateneo. Isa ako sa mga Atenistang “SCHOLAR.” Naiintindihan ko ang mga nasusulat rito at ang nararamdaman ng may akda. Para ilagay ang mga taong nag-aral at nag-aaral sa Ateneo sa isang kahon at markahan itong “elitista” ay hindi naman siguro masasabing tama at makatarungan.

Malaki ang aking pasasalamat sa pagkakataong makatamasa ng edukasyon mula sa Ateneo at ng edukasyong Heswita. Alam kong hindi lahat ng tao ay nabibigyan ng ganoong pagkakataon. At ang ikinatutuwa ko at higit na ipinagpapasalamat ay ang pagkakataon na matuto hindi lamang sa loob ng apat na sulok ng mga silid-aralan ng pamantasang ito–lumagpas ito sa mga bakod ng Ateneo, sa kahabaan ng Katipunan, at kabuuan ng Loyola Heights at Diliman.

2009 To-Do List

Filed under: Uncategorized — lilacnpink at 6:02 am on Saturday, January 3, 2009

I don’t want to make new year’s resolutions. I’d rather do a list of things I’d like to accomplish before 2009 ends and hope I’d be able to accomplish most of them if not all. ^^;

This is in no particular order.

Go to Trinoma and Serendra
I know I’m so pathetic because they’re just within Metro Manila and yet I haven’t been to them. I’ll just go for the heck of it. ;p

Go to Ace Water Spa with my GND barkada
We’ve been planning to go there, just wasn’t able to organize the “event” properly last year. I want to give myself time off and just relax. And I have a discount coupon in my BJD planner and I don’t want it to go to waste. ;p

Attend a silent retreat
Yes, it really has to be a silent one. I’ve been meaning to do some soul-searching and have quiet time to catch up on my readings and reflections. I know that Victory weekend will be this February, but I don’t think I’m ready for that one yet.

Go to Pagudpod with my Spammers barkada
I would like to travel to the North since you can trace my roots to there. And Pagudpod is such a lovely place. My friend, Gem is going to do the organizing this time since she’s really excited to go there. ;p

Go to Enchanted Kingdom with my brother
He told me he misses going there. I would like to go there as well. And we’ve both been so busy since he worked in Sutherland and I in 24/7, this would be a good bonding opportunity.

Watch Terminator: Salvation with my brother on cinema
I know it’s coming out this year. My brother and I usually don’t watch movies on cinema. We just watch most of them on DVD. But if the movie is “special” to us, we would go and watch them on cinema. (ex. Batman Begins, The Dark Knight, Pirate of the Caribbean series, Transformers) We both like Christian Bale, so we’re going to watch this one on the big screen.

Do that Tagaytay road trip that my DLR friends and I had been meaning to do last year.
Hello! Like, we’ve been planning that for ages and we still haven’t done it. I think this is the year to do it! ;p

Finish reading all the books I have in my collection
I haven’t finished reading some of them because I jump from one book to another. I’ve gone through half of “The Secret” and then there’s “The Purpose Driven Life” that I took a peek at and then there’s “Mere Christianity” which I’ve only read the Foreword.

Reach the 100-lb mark in my weight
I think I’ve been trying this for years, but it just doesn’t happen. Maybe I should give up, huh? =p

Attend all the Optus parties and 24/7 events
I just don’t want to deprive myself of those things. Hehe.

Go to the U.P. Fair
I’m not really into bands and concerts, but I’d like to spend time with my friends from U.P. and enjoy the music. And I’ve already filed a leave for that!

Learn a new skill or take a short course
I don’t know, I just want to learn something new and maybe beef up my resume too.

Get great scorecards at work
I need them for regularization and for appraisal! And I don’t want just good scorecards, but great ones. =p

Fix my career
Maybe this year I’ll be able to decide what I really want to do ;p I hope that 2009 will be a good year for me. ^^;

Save up
I’ve started last year, and I want to continue on doing it.

Wish me luck!